KARAPATAN NG FILIPINO WORKERS ITAGUYOD

Special Assistant to the President Bong Go

UMAPELA si Senador Bong Go sa national at local government na patuloy na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino worker sa  bansa.

“Sa kabila po ng dinaraanang pagsubok ng bansa dala ng COVID-19, binabati ko po ang ating mga manggagawa ng isang mapagpalayang Araw ng Paggawa,” ani Go

Tiniyak din ng senador na patuloy na isusulong ang mga panukalang batas para sa ikabubuti  ng mga manggagawa lalo na ngayong nakararanas ang bansa ng health crisis.

“Habang patuloy nating nilalabanan ang sakit na COVID-19, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para mabigyan ng tulong ang mga apektadong manggagawa,” pahayag ni Go.

“Bilang suporta, naging panawagan ko din ang pagbibigay pa ng dagdag na tulong para sa mas nakararami, katulad ng mga apektadong manggagawa ng mga maliliit na negosyo o ang mga MSMEs, at iba pa,” dagdag pa niya.

Nauna na ring umapela si Go sa pamahalaan para sa pagbibigay ng suporta sa workers and employees ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng  ( COVID-19) outbreak.

Aniya, karamihan sa mga ito ay napilitang magsara bunsod ng global health crisis at sa pinalawig na enhanced community quarantine sa bansa.

Nais din ni Go na  pagkalooban ng subsidy program ang MSMEs at kanilang mga empleyado ng Department of Finance (DOF).

Tinukoy pa ni Go na  ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ay nagpatupad na rin  COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)  para sa mga apektadong manggagawa sa formal sector na kung saan nakatanggap ang mga ito ng one-time financial assistance na P5,000 bawa’t  isa. VICKY CERVALES

Comments are closed.