TINALO ni Pinoy karateka James Delos Santos ang isang Slovenian opponent sa finals ng 2020 Men’s Senior Shotokan Kata division kahapon upang kunin ang kanyang ika-5 gold sa virtual karate.
Ang panalo laban kay Nejc Sternisa ay naglapit kay Delos Santos sa No. 1 ranking ng online men’s kata.
“In the final round, I defeated Slovenia 🇸🇮 to snag my fifth virtual gold medal,” sabi ni Delos Santos sa kanyang Instagram post.
Bago nakaharap si Sternisa sa finals ay tinalo niya sina Jamie Parfitt ng UK at Hossein Tani ng Iran.
“This tournament will add points to the virtual kata world rankings. The journey to no. 1 is a long road, but I’m not stopping,” wika ni Delos Santos.
Si Eduardo Garcia ng Portugal ang kasalukuyang No. 1 sa rankings.
Comments are closed.