NALULUNGKOT sina Karen Davila, Agot Isidro at Bianca Gonzalez na hindi kasama ang ABS-CBN sa free TV sa malawak na media coverage ng mga nasalanta ng super typhoon Odette.
Ayon kay Agot, sa TV nakatutok ang mga tao kapag may kalamidad, at dahil nga walang prangkisa ang ABS-CBN, hindi nila nagawang gawin ang dapat nilang gawin.
“Kapag may mga disaster na ganito, tutok tayo sa balita sa TV or sa radyo. Ramdam ang pagkawala ng ABS-CBN ngayon,” ani Agot.
Kahit ang broadcaster na si Karen ay nagpahayag ng panghihinayang. “I am feeling the loss of [ABS-CBN] on air. I feel helpless as I want to track the effects of the typhoon pero no coverage. How sad because so many of my friends are affected,” aniya.
Nniniwalanaman si Bianca na mag nakapaglingkod sana sa bayan ang ABS-CBN sa panahong ito kung umeere ito sa free TV.
“Ang daming nangangalampag sa widespread media coverage and relief. Magiging napakalaking tulong sana ng ABS-CBN Regional Network Group sa panahon na ito,” anghihinayang ni Bianca. “Madaling sabihin na ‘move on’ sa franchise denial, pero sa ganitong pagkakataon hindi mo pala magagawa.”
Unang nag-landfall si super typhoon Odette sa Siargao Island noong isang linggo. Siyam nab eses itong nag-landfall bago nag-exit sa Philippine area of responsibility noong Sabado, December 18. Ayon sa otoridad, may 375 katao ang nasawi at 56 naman ang nawawala.– KAYE NEBRE MARTIN