KALINGA – KASONG paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap na isang kargador at kasama nitong menor matapos makumpiska sa kanila ang mga marijuana oil sa isinagawang checkpoint operation sa Callagdao, Tabuk City.
Nakilala ang kargador na si Reynante Bulatao Bulayang, 25-anyos, may asawa at ang kasama nitong menor de edad na parehong residente ng Binongsay, Malinawa, Tabuk City.
Ayon sa Tabuk City Police Station, isinagawa ng awtoridad ang checkpoint operation laban sa dalawa.
Resulta ito ng natanggap nilang impormasyon mula sa isang concerned citizen ukol sa pagbiyahe ng dalawang suspek ng ilegal na droga sa pamamagitan ng itim na motorsiklo.
Nakumpiska kina Bulayang ang dalawang 15 ml na botelya na naglalaman ng pinaniniwalaang marijuana oil.
Napag-alaman din na ang dalawa ay mga bagong identified drug personalities sa Kalinga. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.