KARGAMENTO MAY KASAMANG AHAS, NASABAT SA NAIA

sawa

NAREKOBER  ng mga awtoridad ang isang sawa na kasama sa mga sa ipadadalang rattan basket, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang naturang sawa ay nakatago sa  rattan basket sa bodega ng Customs at nakadeklarang “wood curtains, lanterns at rattan basket”.

Ang kargamento ay ipinadala ng isang Janrei Fernandez ng Sampaloc, Manila  patungong New York, USA.

Ang sawa na nakita sa physical examination ay nai-turn over na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Comments are closed.