NANAWAGAN ang isang environmental group sa pamahalaan na higpitan ang pagpasok ng mga kargamento sa bansa.
Ito ay dahil sa magkakasunod na pagkakadiskubre ng mga kargamento na naglalaman ng mga basura.
Ayon kay Abigail Aguilar, Greepeace Southeast Asia-Philippines campaigner, hindi katanggap-tanggap na tila ginagawang tapunan ng basura ang Filipinas.
Bukod sa 103 containers ng basura mula sa Canada ay may pitong containers ng mga basura mula sa Australia ang ipinadala sa Misamis Oriental at ang pinakahuli ay ang basura mula sa Hong Kong. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.