NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 17.96 kilos ng shabu at 1.03 kilos ng dried marijuana leaves na tinatayang aabot sa P133.6 milyon.
Tinukoy ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pangalan ng mga consignee na sina Christina Dizon, Alvin Santiago, Sergio Natividad, Gracen Washington at isang nagngangalang Ricardo Mendoza.
Ayon kay Lapeña, mga nagpadala o sender ng nasakoteng mga droga ay kinilalang sina Tyalor Dizon, Gina Gamboa, Raven Mesina, at Donna Mendoza na ipinadala via Eagler PO BOX Rental.
Ayon sa impormasyon mula sa mga taga-Customs, idineklara ng mga consignee na DVD players, furniture, cereals at mga upuan, ngunit nang dumaan sa 100 percent na eksaminasyon nadiskubre na droga at marijuana leaves ang laman ng mga karton.
Sa isinagawang operations ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Anti-Illegal Drugs Task Force, pawang mga fictitious ang pangalan at mga address ng mga ito kung kayat wala silang nahuli ni isa sa mga consignee. FROI MORALLOS
Comments are closed.