KARINDERYANG BUKAS SA LAHAT NG GUSTONG KUMAIN

KAY Vilma Santos ang linyang “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.” Tumatatak, madaling tandan. May impact. Pero sa totoo lang, konting pera lamang ang puhunan para makapagtayo ng maliit na karinderya. Yun nga lamang, pagod, puyat at husay naman sa pagluluto ang magiging puhunan upang magtagumpay sa negosyong ito.

Hindi kailangang nakatapos ng pag-aaral ang sinumang magtatayo ng maliit na kainan. Ang kailangan niya ay sipag at tiyaga. Paano’y sobrang mabusisi at matrabaho ang pagluluto. Yung iba, may natural na husay sa pagluluto. Yung iba naman, kailangang mag-aral ng culinary arts o kahit man lamang sa TESDA. Pero talagang magandang negosyo ito lalo na sa mga misis na gustong makatipid at makatulong sa kanilang mister, dahil sigurado, libre na ang ulam ninyo. Malaking bagay yon sa mga misis na nagbabad­yet.

Anim na buwang kurso ang culinary arts kung saan itinuturo ang mga basic viands o mga ulam na karaniwang binibili tulad ng adobo, sinigang, nilaga, mga gulay tulad ng ginisang munggo, chopsuey, sweet and sour at iba pa. Kadalasan ay hanggang sampung putahe ang natututuhan ng isang misis sa kursong ito. Tinuturuan din sila ng basic accounting at tamang pag-pipresyo sa mga tindang ulam upang hindi malugi.

Sa negosyong ito, makabubuting magsimula sa tatlong putahe muna. Isda, karne at gulay. Siguruhing ang isa dito ay may sabaw tulad ng sinigang o nilaga. Pwede na siguro ang puhunang P1,000 sa unang araw. Maaari itong madoble kung masarap kayong magluto at cut off na ang budget sa inyong ulam.

Kung wala naman kayong P1,000 pwedeng P500 muna para sa tatlong putahe. Kala-kalahating kilo lang muna, at habang tumatagal, magdagdag kayo depende sa demand kn mamimili.

Hangga’t maaari, dapat ay pare-pareho ang timbang ng bawat piraso ng karne at isda. Kung may maliit kayong weight scale, timbangin ninyo.

Itinuturo din sa TESDA kung paano hahatiin ng maayos ang karne at isda at kung paano ito isisilbi na makaaakit sa mamimili. Isinasama rin sa pagpipresyo ang bayad sa nagluto at namalengke. Kung mismong si misis ang nagluto at namalengke, mas malaki ang kanyang kikitain. Pwedeng madoble sa unang araw pa lamang ang puhunan, kaya sa susunod na araw ay maaari nang dagdagan ang inyong tindang putahe. Pwede ng gawing dalawang karne, isang isda, isang gulay at isang may sabaw.

Kung hindi magagalaw ang capital, lalago ang inyong negosyo sa loob lamang ng isang buwan. Tandaang huwag palalampasin sa P2,000 ang pang-araw-araw na puhunan kung maliit lamang ang inyong komunidad. Ang P2,000 ay sapat na sa sampung putahe at sinaing. Kahit pa mabenta ang inyong mga ulam, huwag din kayong lalampas sa 10 putahe kung wala kayong makakatulong. Kailangan din ni misis ang pahinga. Ngunit kung nais ninyong mag-expand, siguruhin lamang ninyong ang maiiwan sa karinderya ay isang taong mapagkakatiwalaan. Kung maaari, mga kamag-anak ang kuning katulong upang maging panatag ang inyong loob.– NV

32 thoughts on “KARINDERYANG BUKAS SA LAHAT NG GUSTONG KUMAIN”

  1. 94 for the amount equal to a gallon of diesel fuel dosificacion kamagra com 20 E2 AD 90 20Nouvelle 20Pub 20Fiat 20500 20Viagra 20 20Viagra 20Femenino 20Marcas viagra femenino marcas The Chicago- based company reported quarterly revenueof 608

  2. Recently, an executive from the American Pharmaceutical Association suggested that sampling deprives patients of the ability to counsel with a pharmacist regarding the specifics of the drug side effects for clomid 1 to detect relative risks of 2

  3. azithromycin 250mg canada Reduction in the incidence of sort 2 diabetes with way of life intervention or metformin 8Fajans SS, Bell GI, Polonsky KS Molecular mechanisms and scientific pathophysiology of maturity onset diabetes of the younger The FDA has accredited pregabalin and duloxetine for the remedy of diabetic peripheral neuropathy Tricyclic antidepressants and anticonvulsants have also seen use within the administration of the ache of diabetic neuropathy with variable success T1DM low blood sugar shot is characterized by the destruction of beta cells within the pancreas, usually secondary low blood sugar shot to an autoimmune process

  4. Strother MC, et al can you buy cialis online These polyphenols can be promising alternatives for various pharmacological mechanisms which could not only decrease the incidence of PCOS, but also promote the other protective roles by decreasing the adverse effects of PCOS on other metabolic organs and their functions

Comments are closed.