BUONG pagmamalaking ibinahagi ni Karla Estrada ang saya na kanyang naramdaman sa morning show na “Magandang Buhay” ng ABS-CBN dahil sa bagong billboard niya for a clothing brand sa EDSA last Tuesday.
This may not be her first time na magka-billboard sa EDSA pero special kay Karla ang bago niyang billboard na iyon.
Bukod kasi sa solo lang siya sa billboard, sakto lang ang laki ng katawan niya sa suot na black dress with white ruffles sa dulo ng manggas sa billboard.
Karamihan sa billboards ni Karla na nasa EDSA ay kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Tuwang-tuwa siyempre ang mga kasamang host ni Karla sa “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa bagong achievement ni Karla.
Feeling siguro ni Karla ay made na made na talaga siya bilang celebrity endorser at ‘di lang dahil sa nanay siya ni Daniel. At mukhang aabutan na niya si Daniel as one of the highest-paid celebrity endorsers sa bansa.
Incidentally, special guests sa Tuesday episode ng “Magandang Buhay” ang Gold Squad ng “Kadenang Ginto” na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedalin at Francine Diaz.
Puna ng ilang nakapanood ng naturang episode, nakatutok daw ng husto ang mukha ni Karla kay Seth habang iniinterbyu ang ex-Pinoy Big Brother housemate kasama si Andrea. Baka raw sinisipat ng husto ni Karla kung true ba na malaki ang pagkakahawig ni Seth kay Daniel.
Hindi naman siguro na-threaten si Karla na baka kabugin ni Seth ang kanyang very famous and rich son. Mukhang secure na secure na si Karla sa estado ng career sa showbiz ng kanyang anak pati na sa financial status ni Daniel.
Ang Sethrea na kaya ang susunod sa trono ng Kathniel?
Well, well, well, say nga ni Melai.
And speaking of Melai, sobrang nakaka-touch ang ginawa niyang pagtulong sa “Kadenang Ginto” star na si Francine. Grabe pala ang pinag-daanang hirap ng batang ‘to. Kaya feeling happy tuloy kami sa success na mayroon siya ngayong show.
Ini-reveal ni Francine ang pagtulong na ginawa ni Melai sa family niya financially. Si Melai ang nagpahiram ng pera sa parents niya para mabayaran ang pagkakautang nila sa renta ng tinitirahan nila para ‘di sila palayasin ng may-ari ng bahay.
Tatahi-tahimik lang si Melai pero may ganitong charitable act na pala siyang nagawa. She may not be as rich as Karla nor even kay Jolina, pero ‘di siya nagdamot ng tulong sa mga taong nangailangan.
May your tribe increase, Melai!
DIMPLES ROMANA MAY ROLE SA ENGAGEMENT NINA ANGEL AT NEIL
PERFECT example sina Dimples Romana at Angel Locsin sa pagpapatunay na hindi mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz. Simula pa nu’ng magkatrabaho sila sa pelikulang “Love Me Again” ng Star Cinema noong 2008, nanatiling best of friends ang dalawang aktres.
Kaya naman isa si Dimples sa naging masaya sa balitang engaged na si Angel sa film producer na si Neil Arce. Inihatid ni Dimples ang kasiyahan niya for the soon-to-be-bride na si Angel ang kanyang heartfelt message sa kanyang Instagram account.
Post ni Dimples, “Mahal kong Lyka@therealangelcosin you will always be my beloved Huling Bantay. It has been a complete honor and privilege to have journeyed through this life beside you. For now, your Gabay, Trixie will sign off bilang tagapangalaga mo. Kasi dumating na siya. Eto na ‘yung mag-aalaga sayo pang habambuhay.”
Lyka ang pangalan ni Angel sa teleseryeng “Lobo” kung saan nagkasama sila ni Dimples.
Agad namang sumagot si Angel sa mensahe ni Dimples sa kanya, “Hooooy! Di ka pwedeng mag-sign off!!! Marami ka pang duties sa akin, hehehe. Dito ka lang sa tabi kooo.”
Samantala, nagbigay ng mensaheng pasasalamat si Neil para kay Dimples dahil ang “Kadenang Ginto” star ang kumuha ng sukat ng daliri ni Angel para sa engagement ring na binigay niya for his future bride.
Comments are closed.