HINIMOK ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na agarang i- report sa mga kinauukulan kung sakaling may mabalitaang pagkamatay ng mga alagang baboy sa kanilang lugar.
Ito ay kasunod ng napabalitang mayroong suspected swine disease sa tatlong barangay sa bahagi ng Rodriguez, Rizal partikular sa San Isidro, San Jose at Macabud.
Sa ipinatawag na press conference ni DA Spokesperson Noel Reyes, siniguro nitong nananatiling ligtas ang lahat ng mga karneng baboy na nakararating sa merkado sa gitna ng pangamba ng sinasabing swine disease kasunod ang pagtitiyak na controled at contained ng kagawaran ang sitwasyon.
Subalit paglilinaw ni Reyes na hindi pa natutukoy ang sinasabing sakit na dumapo sa mga baboy sa Rizal.
Sa kasalukuyan, patay na ang lahat ng mga baboy na nasa one kilometer radius ng mga barangay at ipinagbabawal na rin ang paglalabas ng mga baboy na nasa seven kilometer radius.
Nabatid na mayroon namang mandatory report na kailangang isumite ang mga nagmamay-ari ng baboy na nasa 10 kilometer radius. BENEDICT ABAYGAR,JR.
Comments are closed.