NASABAT ang nasa P6,000 halaga ng karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City.
Ayon kay Jerome Martinez, manager ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Seaport Department, duma-ting ang mga karne ng baboy na lulan ng isang van sa MV Hansa Altenburg sa Subic noong Mayo 27.
Nagmula ang mga karne ng baboy sa Guangzhou, China.
Ayon naman kay Atty. Wilma Eisma, chair at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ininspeksiyon ng quarantine officer mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga karne ng baboy.
Dahil dito, agad itong kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Nakatakda aniyang sirain ang mga karne ng baboy batay sa rekomendasyon ng Bureau of Quarantine Services.
Comments are closed.