KARNENG BABOY MULA LAOS BANTAY SARADO NG DA LABAN SA ASF

LAOS

MAHIGPIT na ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga karne ng baboy mula sa bansang Laos.

Sa ipinalabas na memorandum order ni Agriculture Secretary Manny Piñol, layon ng nasabing hakbang na maiwasan ang pagpasok ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa Filipinas.

Napag-alaman na ang Laos ang pinakabagong naidagdag sa listahan na binabantayan na hindi dapat  makapasok ang kanilang mga pork pro­ducts sa bansa upang hindi makahawa sa ating mga baboy na posibleng pumilay sa hog industry.

Batay sa pag-aaral ng World Organization for Animal Health (OIE), ang African Swine Fever ay ma-lubhang viral disease na maaaring makahawa sa domestic at wild pigs, habang hindi naman ito nakaaapekto sa tao.

Nauna rito, kinumpirma ng director general ng Laos Department of Livestock and Fisheries of the Min-istry of Agriculture and Forestry ang naganap na outbreak ng ASF sa kanilang lugar sa Toumlan, Sara-vane Province sa Laos.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.