MAYNILA – NAGMISTULANG sumabog na pakwan ang ulo ng isang karpintero matapos hatawin ng malaking tipak ng bato ng ‘di pa kilalang suspek na nakaalitan nito sa daan sa Tondo, Manila kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Marlou Balena, tinatayang nasa 40-49 anyos ng Maasim, San Ildefonso, Bulacan na nadiskubreng may tatlong malaking sugat sa ulo.
Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police Distict (MPD)-homicide section, dakong alas-6:20 ng umaga nang makitang nakahandusay ang biktima sa tapat ng nakaparadang truck sa Mamatina Company, sa Magallanes St., Manila North Harbour Centre, Vitas, Tondo.
Nabatid kay Leoncio Morte, kasamahan sa trabaho ng biktima, pasado alas-11:00 ng gabi nang magpaalam pa sa kanya ang biktima na bibili lang ng pagkain.
Gayunman, lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik sa kanilang barracks ang biktima hanggang sa may nagsabi sa kaniya na may pinatay umanong lalaki sa ‘di kalayuan kaya agad niyang tinungo ito at positibong kinilala ang katrabaho.
Hinihinalang may nakaalitan lamang sa kalye ang biktima dahil wala umanong makapagsabi kung may kaaway ito sa trabaho o sa kanilang tirahan. PAUL ROLDAN
Comments are closed.