NOONG gabi ng July 7, 1892, araw na inanunsyo ang pagpapatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan, opisyal na itinatag ni Andres Bonifacio at iba pang opisyal ang Katipunan, o Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (“Highest and Most Respected Society of the Country’s Children”). Layon ng sikretong samahang makamit ang kalayaan mula sa Espanya gamit ang dahas. Ginamit ni Bonifacio ang pseudonym na May pag-asa (“There is Hope”). Ayon sa mga dokumentong natagpuan, may Katipunan na noon pa lamang January 1892.
Sandaling nanatili si Bonifacio sa Katipunan at La Liga Filipina, ngunit nasira ang La Liga dahil nawalan sila ng tiwala sa gusto ni Rizal na peaceful reform at nawalan na rin sila ng pondo. Nagtayo ang mayayaman nilang miyembro ng Cuerpo de Compromisarios, na nangako ng suporta sa mga reformists sa Espanya. Sumapi ang mga rebelde sa Katipunan. Mula sa Maynila, lumawak ang Katipunan sa maraming probinsya, kasama na ang Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija. Karamihan sa mga Katipuneros ay mahihirap o middle class, at karamihan sa mga local leaders ay mga kilalang tao sa kanilaang bayan. Noong una, mga lalaki lamang ang tinatanggap nilang miyembro ngunit nang sumapi ag asawa ni Bonifacio na si Gregoria de Jesús, tumanggap na rin sila ng kababaihan.
Mula’t mula, si Bonifacio ang pinuno ng Katipunan, ngunit hindi siya naging Presidente Supremo (Supreme President) hanggang 1895. Siya ang ikatlong pinuno ng Katipunan matapos ang pamumuno nina Deodato Arellano at Román Basa. Bago ito, nagsilbi siyang comptroller at ‘fiscal’ (advocate/procurator). May sarili silang batas, bureaucratic structure at elective leadership. Sa bawat probinsya, may provincial council na siyang nakikipag-coordibate sa Katipunan Supreme Council. Ang provincial council ang in-charge sa public administration at military affairs, at ang local council naman ang in charge sa affairs ng bawat distrito o baryo.
Sa loob ng samahan, naging kaibigan ni Bonifacio si Emilio Jacinto, na nagsilbi niyang adviser at confidant, at miyembro na rin ng Supreme Council. Binasehan din ni Bonifacio ang Kartilya primer ni Jacinto para makagawa ng Decalogue. Nagkasundo sina Bonifacio, Jacinto at Pío Valenzuela na gawin ang Kalayaan (Freedom) na minsan lamang naimprenta.
Maraming isinulat si Bonifacio, kung saan kasama ang tulang Pag-ibig sa Tinubúang Lupà (“Love for One’s Homeland) na ang pseudonym ay Agapito Bagumbayan. Sa publication ng Kalayaan noong March 1896, dumami ang miyembro ng Katipunan sa buong Luzon, pati na sa Panay sa Visayas at kahit pa sa Mindanao. Mula saw ala pang 300 members noong January 1896, naging 30,000 hanggang 40,000 ito noong August 1896. Dahil dito, nagsuspetsa ang mga Espanyol.
Noong 1896, natuklasan sila ng Spanish intelligence at pinasubaybayan ang mga pinagsususpetsahang kasapi. Nagsagawa rin sila ng pag-aresto.
Noong May 3, tumawag si Bonifacio ng general assembly ng mga lider ng Katipunan sa Pasig, kung saan pinagdebatihan kung kelan sisimulan ang totoong pag-aaklas, Alam nilang lahat na hindi maiiwasan ang rebolusyon, ngunit apprehensive ang ilang miyembro lalo na sina Santiago Alvarez at Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil kulang sila sa baril at bala. Napagkasunduan nilang konsultain muna si José Rizal na kasalukuyang nasa Dapitan, bago magdesisyon, kaya ipinadala ni Bonifacio si Pío Valenzuela kay Rizal. Pero ayaw ni Rizal ng madugong rebolusyon, dahil hindi pa raw napapanahon. Maghanda raw muna sila, ngunit sinabi niyang kung matuloy man ang rebolusyon, dapat nilang konsultahin at isama si Antonio Luna, na isang mahusay na military leader. — LEANNE SPHERE