KARYLLE AYAW MADALIIN ANG PAGKA-KAROON NG BABY

KARYLLE

TAONG 2014 nang ikasal sina Karylle at Yael Yuzon pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang baby.The point

Kilala si Yael Yuzon bilang vocalist at guitarist ng tanyag na  Pinoy rock band na “Sponge Cola”.

Pero, maraming hindi nakaaalam na tulad ng kanyang wife na si Karylle at mother-in-law na si Zsa Zsa Padilla, nananalaytay rin sa kanya ang dugo ng isang artista.

Hindi naman ito kataka-taka dahil graduate in English literature sa Ateneo de Manila University si Yael at tulad ng kanyang misis na si Karylle ay pareho silang passionate about  the arts.

They share the same interest in singing and acting.

Pero, ayon kay Karylle, nasa plano raw talaga nila ang magkaroon ng baby pero ayaw raw naman nila itong madaliin.

“Pareho kaming busy ni Yael. May shows ako at siya naman, he has his band tapos he juggles between singing and acting. Minsan, hindi nagkakasalubong ang schedules namin. By the time na tapos ako sa isang project, siya naman iyong may ginagawa or he’ll be starting on something else, so hindi talaga nagkakatugma. So, it’s the time talaga,” aniya.

Ikinasal na ang kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” pero ayaw raw naman niyang isiping nakikipagkumpentensiya siya sa mga ito.

“Kung mauna silang magka-baby, hindi naman siya ‘big deal’, kasi hindi naman kami nakikipagkumpentensiya,” pahayag niya.

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA CHAMPION NG MASA 

HINDI naman lingid na marami ang naghihikayat sa magaling at matapang na Public Attorney’s Chief PERSIDA ACOSTA2na si Atty. Persida Acosta na kumandidato bilang senador sa national elections sa susunod na taon pero para sa kanya, wala ito sa prayoridad niya.

“Puwede naman ako makatulong sa ibang bagay,” aniya. “Puwede naman akong mag-serbisyo publiko kahit wala akong posisyon,” dugtong niya.

Hirit pa niya, wala rin daw siyang kinalaman sa ginawang pagpili sa kanya ng political party na Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) na tumakbo bilang solon sa May 2019 senatorial elections.

“Actually, napanood ko lang siya sa mga estasyon ng telebisyon pero wala akong nalalaman doon.  Wala naman akong deklarasyon na ako’y tatakbo sa 2019 at wala naman akong plano,” hirit pa niya.

Gayunpaman, nagpapasalamat daw siya ng tiwala ng nasabing partido sa pagpili sa kanya sa lineup nila.

Pag-uulit pa niya, mas importante raw sa kanya ngayon ang makapagbigay ng serbisyo sa bayan.

“Nandito ako para mag­lingkod sa bayan, kaya hindi ko na kailangan pang tumakbo,” saad niya.

MULING MAPANONOOD SI ATTY. PERSIDA SA TELEBISYON KAPAG NAGKAAYOS SILA NG PTV4

 “May offer sa akin ang PTV 4 pero hindi pa kami nagkakasundo sa terms,” ani Atty. Acosta. “Kahit ten-minute segment sa news. Tapos ang DWIZ may offer din sa akin ng free time.”

Sa pakikipag-usap namin kay Atty. Acosta, napag-alaman din naming humingi sa kanya ng tulong si  Keanna Reeves ukol sa isinampang reklamo sa kanya kaugnay ng paglabag sa Anti-Cyber Bullying Law.

Bukod dito, ibinalita rin niya ang ukol sa nangyayaring development sa mga batang namatay dahil sa dengvaxia.

Patuloy naman ang pakikipaglaban ng magi­ting na abogada para sa mga naging bikitima ng dengvaxia na hanggang ngayon ay humihingi ng hustisya.