QUEZON CITY – BUNSOD ng panimula ng election period at mahigit apat na buwan bago ang halalan, aarangkada ngayong araw ang Unity Walk, Interfaith Peace Rally at Covenant Signing peace signing para sa itinakdang May Midterm Elections ngayong taon.
Ang nasabing okasyon ay gaganapin alas-7 ng umaga ngayong araw sa Quezon City Memorial Circle.
Inaasahang darating sa nasabing “kasunduan at pagkakaisa sa mapayapa at organisado, tapat at kapani-paniwalang ele-ksyon” ang iba’t ibang kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Comission on Elections, Department of Interior and Local Government, National Police Commission, Department of Justice at Department of Education.
Bukod sa mga kinatawan ng mga nabanggit na institusyon, sinabi ni Supt. Joel K. Tampis na kanilang inimbitahan ang mga tatakbong politiko mula sa Kongreso na kinabibilangan ng mga nais maging senador, kongresista at iba pang local executives.
“This event will be attended by multi-sectoral stakeholders from COMELEC, DILG, NAPOLCOM, DOJ, DepEd and PNP,” ayon sa statement na ipinadala sa media.
Layunin ng nasabing okasyon na maisakatuparan ang matapat, organisado at kapani-paniwalang halalan. EUNICE C.
Comments are closed.