(Kasabwat na kernel hinahating na) FIXER SA PNP RECRUITMENT TIMBOG

CAMP CRAME- NAGSASAGAWA na ng back-tracking ang Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga kasabwat umano ng naarestong fixer sa recruitment sa pulisya.

Sa isang press conference sa Camp Crame kaninang tanghali, kinilala ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Evalyn Aleman Miparanum alyas Evah Fonda, may asawa, nagtratrabaho sa Public Safety Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI) Agent, at resident of Bicutan, Taguig City.

Naaresto si alyas Eva Fonda ng PNP Intergity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), sa isang entrapment operation kagabi sa Taguig, matapos tanggapin ang P50,000 marked money mula sa undercover na pulis.

Nag-aalok umano ang suspek sa panamagitan ng kanyang Facebook account ng tulong sa pag-pasa ng neuro-psychiatric exam ng mga aplikante sa pagka-pulis sa halagang P50,000.

Ayon kay Eleazar, iniimbestigahan ngayon ng PNP ang sinasabi ng suspek na kasabwat niyang colonel sa PNP Health Service, at maging ang asawa nito na isa ring pulis.

Magugunitang kahapon Lang ay inilunsad ng PNP ang kanilang Comprehensive Online Recruitment Encrypting System (CORES) upang masiguro na wala nang palakasan at padrino-system sa recruitment ng mga pulis. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “(Kasabwat na kernel hinahating na) FIXER SA PNP RECRUITMENT TIMBOG”

  1. 911078 991585I just want to tell you that Im quite new to weblog and honestly liked this internet website. Much more than likely Im preparing to bookmark your weblog post . You definitely come with exceptional articles and reviews. Bless you for sharing your web website. 984361

  2. 719581 383477In todays news reporting clever journalists function their own slant into a story. Bloggers use it promote their works and several just use it for fun or to stay in touch with buddies far away. 936389

Comments are closed.