HEADS will roll!
Ito ang ipapataw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naging kasabwat sa pagpuslit palabas ng bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa kanyang official statement, pinaiimbestigahan na kung bakit nakaalis ng bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac noong July 17 na batay sa ulat ay nagpalipat-lipat na ito mula Kuala Lumpur, Malaysia ay nakarating sa Singapore at nitong Martes ay nasa Indonesia.
“A full scale investigation is already underway and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law,” bahagi ng pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Chief Executive na kanilang ilalantad kung sino-sinong opisyal at tauhan ng pamahalaan ay naging kasangkapan ni Guo para makaalis lalo na’t mayroong Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para sa kanya.
Diin ng Pangulo, ang ginawang pakikipagsabwatan sa pagpuslit sa bansa ni Guo ay uri ng katraydoran at sinira ang tiwala ng taumbayan kaya kanilang ibubulgar ang mga ito.
“We will expose the culprits who have betrayed people’s trust and aided her flight,” giit pa ni Pangulo.
EVELYN QUIROZ