HALOS isang milyong informal workers ang inaasahang mabibiyayaan sa emergency employment program ng pamahalaan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Naunang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced or Disadvantaged Workers (TUPAD) program, isang community-based package of assistance na magkakaloob ng emergency employment upang tulungan ang informal sector workers na makabangon mula sa economic displacement at pagkawala ng kita sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa ilalim ng programa, ang displaced, under-employed at seasonal workers ay pansamantalang iha-hire para sa minimum period na 10 araw ngunit ‘di lalagpas ng 30 araw para tulungan ang local government units sa paghahatid ng essential goods and services, gayundin sa sanitation at disinfection ng mga komunidad, sa kondisyon na mahigpit silang susunod sa physical distancing protocols.
Ayon kay Director of the Bureau of Workers with Special Concerns Karen Trayvilla, ang programa ay magsisimula ngayong buwan hanggang Hunyo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Sinabi ni Bello na ang programa ay magbibigay-benepisyo sa may 962,000 informal sector workers, habang ang isa pang ‘enhanced’ TUPAD program ay pina-finalize pa bilang bahagi ng being finalized post-pandemic recovery package.
Samantala, halos tatlong milyong low-income households ang hindi pa nakatatanggap ng cash subsidy mula sa pamahalaan.
Sa pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, nasa 15.2 million beneficiaries mula sa target na 18 million ang hindi pa nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.
“Total amount distributed so far is ₱85.2 billion,” wika ni Dumlao sa CNN Philippines.
Naunang itinakda ng national government noong April 30 ang deadline para sa pamamahagi ng cash assistance na mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 sa loob ng dalawang buwan bilang bahagi ng ₱200 billion social aid package nito sa 18 million low-income families na naapektuhan ng enhanced community quarantine na umiiral sa Metro Manila at iba pang high-risk areas.
Subalit dahil sa mga problemang kinaharap ng mga lugar na may malaking populasyon, pinalawig ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang linggo ang distribusyon, at muli itong na-extend hanggang kahapon.
Hanggang kahapon, sinabi ng DSWD na nasa 2.8 milyong benepisyaryo ang hindi pa nakatanggap ng first tranche ng cash assistance package.
Comments are closed.