(Kasado na ngayong Martes) BAWAS-PRESYO SA PETROLYO

PETROLYO-19

MAY rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Enero 2.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na bababa ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.10, diesel ng P0.35, at  kerosene ng P1.40.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.

Ang rolbak ay epektibo sa as-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa CleanfuelBa, na magpapatupad ng bawas-presyo sa alas-12:01 ng umaga sa parehong araw.

Noong nakaraang Martes, Disyembre 26, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.60, diesel ng  P1.70, at kerosene ng P1.54. Sa datos  ng Department of Energy (DOE), hanggang Disyembre 26, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12.60 kada litro,  diesel ng P5.65, at kerosene ng P1.24.