(Kasado na ngayong Martes) DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

MAY rolbak sa presyo ng diesel, habang may dagdag-presyo sa gasolina ngayong Martes, Marso 19.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.10, at tataasan ang  presyo ng gasolina ng P0.10 kada litro.

Walang paggalaw sa presyo ng kerosene ngayong linggo.

Magpapatupad ang Petro Gazz at Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.

Noong nakaraang Martes, Marso 12, ang presyo ng kada litro ng  gasolina ay bumaba ng P0.50, diesel ng P0.25, at kerosene ng P0.30.

Hanggang Marso 12, naitala ang year-to-date net increase na P5.45 kada litro para sa gasolina at P3.80 para sa diesel.

Samantala, nagtala ang kerosene ng year-to-date net decrease na P0.25 kada litro.