MATAPOS ang rolbak noong nakaraang linggo ay may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Shell Pilipinas Corp. na tataas ang presyo ng gasolina ng P0.20 kada litro, diesel ng P0.50 kada litro, at kerosene ng P0.50 kada litro.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga.
Noong nakaraang Martes, Oktubre 22, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.50, diesel ng P0.70, at kerosene ng P0.85.
Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P9.05 kada litro at diesel ng P6.75 kada litro.
Nagtala naman ang kerosene ng net decrease na P2.75 kada litro hanggang October 15, 2024.