MAY malaking tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na bababa ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P2.20, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.55.
Magpapatupad ang Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Ang rolbak ay epektibo sa alas6 ng umaga.
Noong nakaraang Martes, Mayo 2, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.50, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.40.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 2, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6,05 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P4.35 kada litro at kerosene ng P4.95 kada litro