TATAAS na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na may dagdag na P0.95 sa presyo ng kada litro ng gasolina. diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.35.
Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng taas-presyo sa alas-4 ng hapon sa parehong araw.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng petrolyo.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 25, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.40, diesel ng P1.75, at kerosene ng P1.05.
Hanggang noong Hunyo 25, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P8.30 kada litro, diesel ng P7.75 kada litro, at kerosene ng P1.40 kada litro.