MAY malakihang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.20, diesel ng P1.40, at kerosene ng P1.30.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang price increase sa alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na mag-a-adjust ng presyo sa alas-12:01 ng umaga, at Cleanfuel sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 6, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.60, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.60.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 6, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.50 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P5.35 kada litro at kerosene ng P7.35 kada litro.