SA IKATLONG sunod na linggo ay may rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na bababa ang presyo ng gasolina ng P1.00, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.65.
Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga.
Noong nakaraang Martes, September 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.55, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.40.
Ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.85 kada litro at diesel ng P3.05 kada litro.
Nagtala naman ang kerosene ng year-to-date net decrease na P4.70 kada litro.