BIG-TIME rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong Martes, Oktubre 10.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp., Cleanfuel, at Petro Gazz na ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P3.05 habang ang presyo ng diesel ay may tapyas na P2.45 kada litro.
Samantala, nasa P3.00 kada litro naman ang rolbak sa presyo ng kerosene.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng price adjustments sa alas-12:01 ng umaga, habang ang Petro Gazz ay sa alas-6 ng umaga.
Noong Martes, Oktubre 3, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.00 at kerosene ng P0.50.
Tumaas naman ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.40.
Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 3, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P15.30 kada litro, diesel ng P13.80 at kerosene ng P8.94 kada litro.