MAY dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Oktubre 17.
Sa magkahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na bababa ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene ng P0.95.
Tataas naman ang presyo ng gasolina ng P0.55 kada litro.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Noong nakaraang Martes, Oktubre 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P3.05, diesel ng P2.45, at kerosene ng P3.00.
Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 10, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12. 25 kada litro, diesel ng P11.35 at kerosene ng P5.94 kada litro.
LIZA SORIANO