(Kasado na ngayong Martes) ROLLBACK SA DIESEL; PRICE HIKE SA GASOLINA

Gasolina

MAY dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Oktubre 31.

Ayon sa Seaoil, ang presyo ng gasolina ay tataas ng P0.45 kada litro.

May rolbak naman na P1.25 sa presyo ng kada litro ng diesel at P1.20 sa kerosene.

Epektibo ang price adjustments sa alas-6 ng umaga.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong price adjustments para sa diesel at gasolina simula alas-12:01 ng umaga.

Noong nakaraang Martes, Oktubre 24, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas ng P1.30, gasolina ng P0.95, at kerosene ng P1.25.

Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 24, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P13.75 kada litro, diesel ng P11.70 at kerosene ng P6.24 kada litro.