(Kasado na ngayong Martes)BAWAS-PRESYO SA PETROLYO

OIL PRICE HIKE-2

KAHIT paano ay makahihinga nang maluwag ang mga motorista makaraang mag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis ng rolbak simula ngayong Martes matapos ang dalawang magkasunod na linggong price hikes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na bababa ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.35, diesel ng P1.10, at kerosene ng P0.45.

Magpapatupad ang Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang bawas-presyo sa alas-6 ng umaga.

Noong nakaraang Martes, Oktubre 18, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.80, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.90.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), ang net price increases buhat nang magsimula ang taon para sa gasolina, diesel at kerosene ay nasa P16.45, P38.50 at P29.65 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.