(Kasado na ngayong Martes)BIG-TIME PRICE ROLLBACK SA DIESEL

SHELL.jpg

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng diesel ay bababa ng P3.00, habang ang kerosene ay P3.40.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustment para sa diesel. Wala silang kerosene products.

Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-8 ng umaga.

Ang rolbak sa presyo ng diesel at kerosene ay matapos ang limang sunod na linggong taas-presyo ng mga ito

Noong nakaraang Martes, Hunyo 28, ang presyo ng diesel ay tumaas ng P1.65 kada litro at kerosene ng P0.10 kada litro.

Sa monitoring ng DOE, ang presyo sa Metro Manila ay naglalaro sa P76.45 kada litro (Caloocan City) hanggang P98.40 kada litro (Muntinlupa City) para sa gasolina; mula P83.20 kada litro (Quezon City) hanggang P98.00 kada litro (Pasay City); at mula P89.74 kada litro (Manila) hanggang P99.14 kada litro (Taguig City) para sa kerosene hanggang noong Hunyo 30, 2022.