(Kasado na ngayong Martes)DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

MAY dagdag sa presyo ng gasolina at diesel simula ngayong Martes matapos ang big-time rollback noong nakaraang linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Seaoil, Petro Gazz, at PTT Philippines na ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay tataas ng P0.95 at P0.50, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi rin ng Seaoil na may bawas-presyo na P0.15 sa kada litro ng kerosene.

Karamihan sa mga kompanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustments sa alas-6 ng umaga.

Noong nakaraang Martes, Enero 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.75, diesel ng P2.80, at kerosene ng P2.10.

Hanggang noong Enero 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P2.15 at kerosene ng P0.95, habang ang diesel ay bumaba ng P0.70 kada litro.