MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng big-time oil price rollback simula ngayong Martes, Mayo 2.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P1.50, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.40.
Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga.
Noong nakaraang Martes, Abril 25, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.40, diesel ng P0.70, at kerosene ng P0.20.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Abril 25, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P7.55 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P3.05 kada litro at kerosene ng P3.55 kada litro.