SA IKALAWANG sunod na linggo ay may dagdag sa presyo ng gasolina habang nay bawas naman sa diesel at kerosene sa ika-4 na sunod na linggo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.90, habang sa diesel ay P0.30, at kerosene ng P1.35.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang dagdag-bawas sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Noong nakaraang Martes, Nobyembre 8, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.40, habang ang diesel ay may bawas na P0.50 kada l1tro at kerosene ng P0.35 kada litro.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Nob. 8, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P17. 25, diesel ng P36.30 at kerosene ng P28.60.