(Kasado na ngayong Pebrero)BAWAS-SINGIL SA KORYENTE

KORYENTE-4

BABABA ang singil sa koryente ngayong Pebrero, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Sa isang statement nitong Biyernes, sinabi ng Meralco na ang power rate ay tatapyasan ng P0.0106 per kilowatt-hour (kWh) sa P10.8895 per kWh mula sa P10.9001 per kWh noong Enero.

Nangangahulugan ito na ang residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh ay magkakaroon ng P2 bawas sa kanilang bill.

Ang bawas-singil ay sanhi ng pagbaba ng generation, transmission at systems loss charges para sa buwan.

Ang power generation cost ay bumaba ng P0.2137 sa P6.9154 mula P7.1291 per kWh dahil sa mas mababang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at independent power producers (IPPs), kung saan kinukuha ng Meralco ang power requirements ng mga customer nito.

Na-offset ng mas mababang generation costs mula sa WESM at IPPs ang mas mataas na singil mula sa power supply agreements.

“The continued appreciation of Philippine peso which affects 95 percent of IPP cost, which are dollar denominated contributed to the reduction,” ayon sa Meralco.