(Kasado na sa 2024) DAGDAG-SINGIL SA TUBIG

INAPRUBAHAN na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang hirit ng Maynilad at Manila Water na dagdag-singil sa  2024.

Para sa Manila Water customers sa east zone, ang inaprubahang rate adjustment ay ₱6.41 per cubic meter increase sa 2024.

Samantala, ang west zone concessionaire Maynilad ay magtataas ng ₱7.87 per cubic meter simula sa susunod na taon.

Ayon sa MWSS, kinonsidera nila sa rate adjustment ang inflation, gayundin ang spending program na isinagawa ng dalawang  water concessionaires.

“The reason for this is we adjusted rates by inflation. The rates during rates rebasing were based on the 2022 value so it needs to be adjusted every year,” pahayag ni MWSS chief regulator Patrick Ty.

Humingi ang water regulatory office ng pang-unawa sa publiko dahil ang inaprubahang rate adjustments ay “necessary burden.”

“Kakayanin naman ng regular households but we feel that this is a necessary burden to ensure that proper service is given to consumers especially with the El Niño,” sabi ni Ty.

“This is also why we pushed Maynilad to give added protection to those people who need it most, or lifeline consumers, we want to mitigate as much as possible.”