MULING maglulunsad ng dalawang araw na malawakang transport strike sa Abril 29 at 30 ang grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston).
Ayon kay Piston secretary general Ruben Baylon, kahit matapos na ang deadline ng consolidation sa Abril 30 ay patuloy silang papasada.
Nitong Martes ay nagtungo ang grupo sa Korte Suprema at nagsagawa ng kilos-prosteta.
Iginiit ng grupo na ang consolidation program ay dapat na boluntaryo at hindi ang gobyerno ang nagdidikta.
Umaasa rin ang nasabing grupo na maglalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court para pigilan ang PUV modernization program.
EVELYN GARCIA