KASAL NINA GEOFF EIGENMANN, MAYA SIMPLE LANG

MATAPOS ang ilang taong pagsasama at pagkakaroon ng tatlong anak, ikinasal din ang aktor na si Geoff Eigenmann sa kanyang long-time partner at fiancée na si Angeli Mae Flores, mas na kilala sa screen name niyang Maya.

Naganap ang Christian wedding nina Geoff at Maya sa Victory Christian Fellowship Church sa Alabang, Muntinlupa noong February 22, 2022 na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kaanak ng dalawa.

Anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti na si Bodie Cruz ang pastor na nagkasal sa kanila, at ang reception naman ay sa Da Gianni Cucina Italiana, ang Italian restaurant na pag-aari ng pamilya ni Matteo Guidicelli.

Dapat sana ay noon pang April 2020 sila ikinasal pero naudlot ito dahil sa pandemya ay sa pagbubuntis ni Maya sa pangatlong anak nila ni Geoff. Tatlo na ang kanila anak – sina Arabella. Angus at Pepper. KNMartin