DAHIL sa nangyaring pagkamatay ni Mommy Beth Cruz, ina ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz, marami ang nag-speculate na posibleng hindi mangyari ang kasal ni Rodjun sa kanyang dyowang si Dianne Medina ngayong taon.
Nakatakda na kasing magpakasal ang magnobyo sa Disyembre.
Bagama’t nagluluksa pa ang pamilya Cruz sa biglaang pagkawala ng kanilang ina, marami rin ang nagsasabing isasangguni ni Rodjun ang kanyang desisyon sa kanyang angkan kung itutuloy nito ang kasalan come December.
Gayunpaman, nagpahayag na si Rodjun ukol dito na tuloy ang kasal nila ng kasintahan na matagal na nilang plinano.
Hirit pa niya, kung nabubuhay ang kanyang ina ay wish din umano nito na huwag nang ipagpaliban pa ang kanilang pag-iisang dibdib ni Dianne.
Sina Rodjun at Dianne ay magkasintahan na for 11 years.
Noong October 10 lang ng nakaraang taon, nag-propose si Rodjun sa kasintahan sa Boracay.
Nauna rito, naibahagi rin ng dalawa ang balak nilang pagpapakasal sa Manila Cathedral sa Disyembre 21, 2019.
SUNSHINE WALANG BALAK IURONG ANG DEMANDA SA KABIT NG MISTER
HANGGANG ngayon ay tuloy pa rin ang pagdinig sa korte ng kasong isinampa ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa pinangalananan ni-yang ‘mistress’ ng kanyang asawang si Clarisma Sison.
“I cannot talk about it kasi may ongoing pa pong isang kaso. Wala naman [gag order], pero I was advised by my lawyer,” aniya. “Hindi na naman about my husband, iyong babae iyong kinasuhan ko,” dugtong niya.
Hindi rin siya masyadong nagbigay ng detalye kung ang nasabing isinampang kaso ay naiba sa concubinage na dati nang nai-file.
Matatandaang naghiwalay ang aktres at ang asawa nitong si Timothy Tan noong 2016 dahil sa diumano’y pangangaliwa ng huli.
Bagamat may balitang nagkabalikan na ang mag-asawa mula nang magsama sila sa okasyon ng birthday ng kanilang anak na si Doreen, nanatiling espekulasyon pa rin ito dahil wala pa namang pag-amin ang actress tungkol dito.
Si Sunshine ay bahagi ng cast ng “Inagaw na Bituin” na nagtatampok kina Kyline Alcantara at Therese Malvar.
Comments are closed.