KASALAN SA SHOWBIZ SUNOD-SUNOD NGAYONG PEBRERO

MUKHANG sunod-sunod ang pagpapakasal ng mga artista at celebrities sa showbiz eyepagpasok ng year 2020.

Nauna ngayong love month, on February 9, 2020, sina Kapuso stars Juancho Trivino at Joyce Pring. Sinundan ito ng Kapamilya stars na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, sa isang civil wedding ceremony last Thursday February 20, at last Saturday, February 23, si Kapuso star Sheena Halili at Atty. Jeron Manzanero ang ikinasal in a garden wedding sa The Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City.

Halo ang mga guests nilang Kapuso at Kapamilya stars.  Naging secondary sponsors sina Marian Rivera (candle), Camille Prats (veil) and Jennylyn Mercado with Pasig City Mayor Vico Sotto (cord).

Nagga­gandahan ang mga Kapuso bridesmaids ni Sheena na sina StarStruck Katrina Halili at Chariz Solomon at sina Glaiza de Castro at Maine Mendoza.

May Instagram story post si Maine na na­ging best friend ni Sheena noong ginagawa nila ang teleserye nina Maine at Alden Richards na “Destined to be Yours” ang photo nila ay parang umiiyak si Sheena na i­naalo ni Maine. Caption ni Maine: “Dinadasal lang natin na magka-boyfriend ka, pero ngayon may asawa ka na.  Happy for you, always.  Congrats and best wishes!”

AIKO MELENDEZ NILAIT NG NETIZENS

SINAGOT na rin ni Aiko ang bashers niya tungkol sa pagsasalita niya about sa ABS-CBN shutdown.  Isa sa mga messages na binalikan niya at sinagot ang isang netizen.

@aikomelendez  Why are we pleased with others misfortunes??? The emotion of pleasure in one’s misfortunes is an evil act.  It is considered to be less acceptable than envy,  which is regarded as deadly sin.  I was bombarded with messages in my IG account regarding my stand in ABS-CBN’s shutdown.

To quote some, Ms. Aiko ba’t ka nagpo-post ng ratings ng Prima Donnas na mas mataas kayo sa kabila ‘tas you are  supporting ABS?

My reply was, it is not about whose who anymore, ratings, who is better.  It’s for humanitarian reasons too why this is my stand. A lot of people will lose their jobs.  And some of them I have worked with, so my heart bleeds for them. ‘Wag tayong maging mababaw sa oras na ganito. I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA, still, marami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan.  Marami akong kaibigan also sa ABS-CBN.  Our network GMA 7 has never taught their talents to be happy about this current situation of their rival network.  In fact, they sympathize with them too. It’s evident unspoken agreements. Iisang industry kami natural lang we got each other’s back.”

Tama naman si Aiko,  biro nga niya, masama lamang ang character na ginagampanan niya bilang isang kontrabida sa “Prima Donnas” as Kendra, pero handa siyang tumulong sa mga kamukha niyang nasa iisang industriya.

Anyways, mas tumitindi lalo ang kasamaan ni Kendra sa GMA Afternoon Prime, paano siya gaganti kay Lilian (Katrina Halili) ngayong diretso na siyang tinanggihang pakasalan ni Jaime (Wendell Ramos) dahil mas mahal nito si Lilian, ang naging surrogate mother ng kanyang mga anak na sina Donna Belle at Donna Lyn?

Napanonood ang “Prima Donnas” after ng “Magkaagaw.”

One thought on “KASALAN SA SHOWBIZ SUNOD-SUNOD NGAYONG PEBRERO”

  1. 964543 307340oh nicely, Alicia silverstone is matured nowadays but when she was nonetheless younger, she is the sex symbol of hollywood` 721404

Comments are closed.