KASALUKUYANG INFLATION RATE HINDI HAHANTONG SA PAGLALA NG INFLATION SA PINAS-BSP

BSP NEW LOGO

TINIYAK  ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona Jr. na bagamat hindi ito naghihigpit sa bahagyang pag -akyat sa kasalukuyang 6.5 porsiyento ng “benchmark rate” para magsagawa ng mga nararapat na “monetary policy stance” para sa ekonomiya ng Pilipinas, ay hindi umano ito nababahala at hindi rin nito inaasahan na magdudulot ito ng paglala ng inflation rate sa bansa.

Ang inflation ay nangangahulugan ng pamimintog o pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang ekonomiya. Kamakailan lamang ay sinabi ni Remolona na ang naangkop ng monetary policy ang siyang naging dahilan ng bahagyang pagbaba ng 2023 inflation rate ng bansa sa 4.1 porsiyento ng Nobyembre mula sa mataas na 8.7 porsiyento ng mga nakaraang buwan.

Inaasahang mananatiling “hawkish” ang BSP sa pagsisikap nitong abutin ang target nito sa mababang 2 hanggang 4 na porsiyento man lamang ng inflation rate sa bansa sa taong ito upang mapababa ang mga presyo ng mga bilihin at serbisyo.

“People say we’ve been tightening too much … that’s a very difficult challenge because we want to make sure that we don’t tighten unnecessarily. We don’t want to cause a loss of output that’s not necessary,”sinabi ni Remolona Jr. sa kanyang mensahe sa harap ng mga negosyante at dating matataas na opisyal ng pamahalaan na kasapi ng Rotary Club of Manila sa Makati ngayong Huwebes.

“Now, sometimes we make a mistake, and we tighten too much. But even when we make a mistake and we tighten too much, that also amounts to (effects) that’s temporary,” dagdag pa ni Remolona Jr.

Subalit inamin niya na nanatiling marami pang hamon ang pagdadaanan ng bansa upang tuluyang mapababa ang inflation rate dito. “There remains challenges such as upside risks to inflation that they need to watch out for, but we are hoping – and this is based on their forecasting models – that the country’s consumer price index (CPI) will keep within the two percent to four percent target range for most of 2024,” ang sabi ni Remolona Jr.

Dahil ang CPI ng Nobyembre ay bumagsak sa inaasam na 4.1 na porsiyento, umaasa si Remolona Jr. na mas higit na mababa sa apat na porsiyento ang CPI para sa buwan ng Disyembre ng 2023.

Ang forecast ng BSP sa inflation ng Disyembre ng nakaraang taon ay 3.6 porsiyento hanggang 4.4 porsiyento,Sinabi ni Remolona Jr. na iaanunsyo nito ang end -2023 CPI sa Enero 5.

“The target reverse repurchase (RRP) rate or the key lending rate of 6.5 percent is the right amount”, dagdag pa ni Remolona Jr. Iginiit niya na ang “economic activity growth ng bansa ay nagpapakita na ang Pilipinas ay isa sa may “highest growth rate within the fastest-growing region” sa mundo.

“That’s not so bad. There are more and more jobs. So in terms of growth, in terms of employment, we seem to be managing reasonably well in the face of supply shocks,” sabi niya.

Inaasahan niya na mas magpapakita ng pagsigla ang ekonomiya ng bansa sa fourth quarter ng 2023 na tinaya niyang nasa 5.9 porsiyent at ganun din ang pagtatag ng third quarter gross domestic product (GDP) ng PIlipinas.

Sinabi niya na ang mahigpit na “hawkish” stance: ng BSP ay hindi nakasira sa momentum ng paglago ng ekonomiya na sinusukat sa 450 basis points(bps) cumulative increase o policy rate para sa economic expansion na patuloy na isinusulong nito.

Sinabi rin niya na ang Pilipinas ay wala na sa “behind the curve” sa paglaban sa inflation. “The Philippine central bank is moving toward a “less managed” exchange-rate framework….as cooling inflation eases pressure on policymakers to curb the peso’s weakness,”dagdag pa niya. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia