(Kasama ang 260 comorbidities) NAVOTAS MAYOR NAGPABAKUNA NA

NABAKUNAHAN na si City Mayor Toby Tiang­co ng kanyang unang dose ng bakuna kasama ang 260 persons with comorbidities na binakunahan din sa San Jose Academy at Tumana Health Center.

“Certified NavoBakunado na rin po tayo! Sa lahat po ng mga residente at manggagawa sa ating lungsod, magpa-rehistro na sa ating NavoBakuna COVID-19 vaccination program 3,618 na po ang nabakunahan sa ating lungsod na mga frontli­ners, senior at may comorbidity,” ani mayor.

“Susunod na po rito ang ating mga economic essential workers. Malaki po ang maitutulong ng pagpapabakuna para matapos na ang pandemya, at mapaangat na natin ang a­ting buhay at kabuhayan,” dagdag niya.

Matapos kumpirmahin ng national government noong nakaraang Linggo na maaari ng magpabakuna kontra CO­VID-19 ang mga mayor na nasa high-risk areas, agad humingi si Tiangco ng medical clearance sa kanyang asthma doctor.

Pinayuhan ito ng kanyang doktor na ihinto ang pag-inom ng isa sa kanyang apat na maintenance medicines para asthma sa isang linggo at kung ang kanyang asthma ay hindi lumala, maaari siyang mabakunahan sa ikapitong araw.

Dumating ang alkalde sa vaccination venue dakong 11:30 ng umaga at nagtungo sa registration area. Ang kanyang blood pressure ay 130/70 sa isinagawang screening at cleared siya para sa vaccination.

Nanatili siya sa lugar para obserbahan sa loob ng 30 minutes bago pinayagan na umalis at sinabi niya na wala namang masamang reaksyon. VICK TANES

One thought on “(Kasama ang 260 comorbidities) NAVOTAS MAYOR NAGPABAKUNA NA”

Comments are closed.