INANUNSYO ni PhilHealth CEO and President Emmanuel R. Ledesma Jr. (center) ang bagong 10 Benefits para sa Rare Diseases na tinawag na Z Miracles. Kuha ni EUNICE CALMA-CELARIO
INILAPAG kahapon sa media ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang good news sa mga kababayan lalo na ang mayroong karamdaman ang panibagong 10 health benefit packages para sa rare diseases na tinawag na Z Miracles at anim na enhanced Z Benefit Package para sa in-care patient.
Si PhilHealth CEO and President Emmanuel R. Ledesma Jr., ang nag-anunyo at ang mga enhanced o improved Z Benefit Package para sa In-Patient Care ay ang para sa acute myocardial infection (AMI) o heart attacks, peritoneal dialysis at kidney transplant.
Sinabi ni Ledesma na noong November 29 ay inaprubahan ng PhilHealth Board na pinamumunuan ni Health Secretary Ted Herbosa na aprubado ang 10 bagong pakete para sa rare diseases, preventive oral health services sa ilalim ng Konsulta package at assistive mobility devices para sa priority conditions na kailangan sa physical rehabilitation.
“We are pleased to unveil a total of six enhanced packages for in-patient care, Z benefits and Konsulta. These expanded benefits reflect our dedication to providing accessible and affordable healthcare through better health insurance coverage,” ayon kay Ledesma.
Ang sampung bagong pakete ay para sa Maple Syrup Urine Disease, Methylmalonic Acidemia/Propionic Acidemia; Galactosemia, Phenylketonuria, Osteogenesis Imperfecta, Gaucher disease, Pompe Disease, Fabrey Disease, at Hunter and Morqio Syndromes.
Samantala, tiniyak din ng PhilHealth na sa bagong mga pakete, kaya nilang balikatin ang gastusin at mayroon silang sapat na pondo para rito.
Asahan din anya ang mga bagong enhanced benefits sa mga susunod na panahon dahil nais nila na walang gastusin ang mga tao sa pagpapagamot.
EUNICE CELARIO