NAKATAKDANG ilundsad ng tinaguriang Philippines Leading carrier Cebu Pacific (PSE: CEB), ang kanilang panibagong Manila-Kaohsiung route upang mabigyan ng pagkakataon ang Cebu Pacific clients na masilayan ang tinatawag na harbor-park at urban landscape ng Southern Taiwan.
Ito ay magsisimula sa darating na Agosto 16 at ang Manila-Kaohsiung flights ay mag-ooperate tatlong beses sa isang linggo, sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Anila, ang Kaohsiung ang ikalawang destinasyon na i-ooperate ng CEB para sa mabigyan ang mga pasahero ng mas affordable options upang mabisita ang Taiwan.
At simula kahapon, May 30 hanggang Hunyo 13, ang mga pasaherong papunta sa Taiwan ay puwede na mag-book ‘for as low as PHP 1 one-way base fare, exclusive of fees and surcharges. At ang travel period ay from August 16 to October 25, 2024.’
Kasalukuyang ang CEB ay mayroon 35 domestic at 25 international destinations sa Asia, Australia at Middle East.
FROILAN MORALLOS