SAUDI ARABIA – ISANG Filipino domestic helper ang nagpasaklolo bunsod ng pagmamalupit ng kanyang amo dahil hindi ito pinapakain nang maayos at nabuhay sa paghahanap ng pagkain sa basurahan sa loob ng anim na araw.
Si Gina Abcede ay naisalba ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia at sa kanyang salaysay, napilitan siyang maghanap ng pagkain sa basurahan para mabuhay.
“Pagka-sixth day na wala akong makain kasi naka-padlock ako gabi-gabi, para akong magko-collapse na talaga, walang tutulong sa akin,” ayon kay Abcede.
Aniya, kinompronta niya ang amo kung bakit siya ginugutom at sinabi nito na parusa iyon dahil hindi sumusunod sa utos ng anak ng kanyang amo at paggiit na mag-day off.
Sa tulong ng Ang Kaagapay Ng Bawat OFW advocates at POLO officials sa Jeddah ay naisalba siya.
Pinasalamatan naman ni Abcede ang lahat ng tumulong sa kanya. AIMEE ANOC
Comments are closed.