MALAY, AKLAN – Arestado ang isang kasambahay makaraang pagnakawan umano nito ang kanyang among negosyante ng P2.7 milyon sa bayan ng Kalibo.
Ang suspek na kinilalang si Jerryl Nabor ay patakas na sana patungong Caticlan nang madakip ng mga awtoridad noong Sabado.
Ayon sa amo niyang nabiktima, tinangay ni Nabor ang ipon niyang pera na nakatago sa kabinet sa kanyang bahay ng parehong araw na iyon.
Nasa P2.6 milyon na lang ang nabawing pera mula sa suspek na umamin sa krimen.
Sinampahan ng kasong robbery ang suspek na napag-alamang 13-anyos pa lang nang pumasok na kasambahay sa biktima.
Hindi makapaniwala ang biktima sa ginawa ng suspek dahil itinuring na umano niya itong parang sariling anak.
Comments are closed.