KASAMBAHAY NANGDEKWAT NG ALAHAS KALABOSO

JAILED

PARAÑAQUE CITY – KULONG ang isang kasambahay matapos nakawin ang mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit  P1 milyon na pag-aari ng kanya amo kama­kalawa sa Parañaque City.

Nakakulong sa Para­ñaque City Police ang suspek na si Maria Teresa Dela Cruz, nasa hustong gulang at stay-in sa Phase 2, BF Homes nang nasabing lungsod.

Batay sa report, dakong alas-4:00 ng hapon nang madakip ito ng mga kagawad ng Parañaque City Police mismo sa bahay ng amo nitong si Maria Bernardita Martin, 40, sa BF Homes ng naturang lungsod.

Sa reklamo ni Martin sa mga pulis, nagulantang na lamang siya nang madis­kubre niya na nawawala ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P1.325 milyon na nakalagay sa kanyang travelling bag sa loob ng kanilang master’s bedroom.

Kung kaya’t kaagad niyang inireklamo sa pulisya ang insidente.

Dahil dito, nagsagawa ng ocular inspection ang mga pulis sa bahay ni Martin at isinailalim sa interosgasyon ang apat na kasambahay kabilang dito ang suspek.

Napag-alaman ng pulisya, na ang suspek lamang ang inuutusan ng amo na maglinis ng master’s bedroom, dahil dalawang taon na itong naninilbihan at  pinagkakatiwalaan na ito.

Na-recover kay Dela Cruz ang isang maliit na pouch,  na naglalaman ng tatlong pares na hikaw na nagkakahalaga ng  $189, na ang halaga sa peso ay P9,369.

Inamin ni Dela Cruz sa mga pulis na siya ang nagnakaw ng mga alahas at ang iba nito ay ibinenta niya sa isang money changer shop. ROSE LARA

Comments are closed.