KASAYSAYAN NG PILIPINAS IREREBISA

KULANG pa ang itinuturo ng mga paaralan tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang pahayag ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones.  Aniya, kailangang pagyamanin pa ng Department of Education ang kaalaman ng mga Filipino sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng promosyon ng local history at pagrerebyu sa kasalukuyang curriculum.

“We are emphasizing local history, and I believe in local history. Ang national heroes natin taga saan ba sila?,” ani Education Chief.

Binigyang daan ni Briones na ang DepEd ay proactive sa promosyon ng kasaysayan ng lahit gamit ang lahat ng uri ng pormal na leksyon o mga aklat sa kurikulum.

“Only recently also we encouraged, ang Department namin, noong nagpalabas ang CCP ng theatre presentation on Lapu-Lapu and kami naman ay very active na nagsuporta nito. So, it’s not only nasa leksyon pero sa other forms of art and communication ine-emphasize natin lagi ang history, palagi ko yan inuulit-ulit na hindi natin dapat na makalimutan na even as we catch up with digitalization and technology, and critical thinking, huwag nating kalimutan na tayo ay Pilipino,” pahayag niya.

Inisponsor din ng DepEd ang live performances ng opera na “Noli Me Tangere,” kung saan ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa ay dumalo. Mara­mi umanong naiyak sa sinapit ng mag-iinang Sisa, Crispin at Basilio.

Major sponsor din ang DepEd ng Encyclopedia of the Philippine Arts of the Cultural Cen­ter of the Philippines.

Binanggit din ng Edu­cation Chief na pinagyayaman ng kanilang departamento ang mga Philippine historical events habang patuloy nilang inaayos at nirerebisa ang basic education curriculum.

“Ang contributors sa ating kultura at ang sense of history ay hindi lamang responsibilidad ng Department of Education but we are doing all that we can, especially yung gender aspect,” ani Secretary Briones.

Sa hiwalay na paha­yag, sinabi ng DepEd na ang kasalukuyang Ara­ling Panlipunan (AP) curriculum na inaprobahan ng huling administrasyon ay tumatalakay sa iba’t ibang Philippine history topics sa iba’t iba ring grade levels. Ang nasabi ring mga topics ay nagsisilbing take-off points sa lahat ng diskusyons sa AP curriculum ng Junior High School at Senior High School.

Nilinaw rin ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na kinunsulta ng DepEd ang mga social studies experts sa buong bansa kaugnay ng desisyong alisin sa curriculum ang mga hindi kailangan sa 21st Century at palalimin pa ang critical thinking ng mga mag-aaral.

“Gusto ko lang bigyang-diin na hindi kailanman inaabandona ang pagsisiguro na ang mga bata ay malalim ang pagkakaunawa sa kasaysayan ng ating bansa,” ani Usec. San Antonio.