(Kasing laki rin ng PITX) MALAKING TRANSPORT HUB SA KYUSI ITATAYO NG GSIS

INANUNSYO ng Presidente at General Manager na si Jose Arnulfo “Wick” Veloso na ang tatlong ektaryang pag-aari ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City ay gagawing isang strategic transport hub na magiging kasing laki ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) pagsapit ng 2026.

Tinawag na “Project HUB” ang itatayong  malaking pasilidad ng transportasyon sa kanto ng Elliptical Road at Commonwealth Avenue.

Ang proyekto ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng Intermodal Rail-City Bus Terminal at Depot sa Kyusi upang mapabuti ang koneksyon at tugunan ang lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa 2027, inaasahang mapapabuti ng hub ang koneksyon sa kalapit na Philcoa Station ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) na mag-uugnay mula sa North Triangle Common Station sa North Edsa hanggang San Jose del Monte, Bulacan sa oras na ito’y magsimula ng operasyon.

RUBEN FUENTES