KASISILANG NA SANGGOL INAKALANG TIYANAK

BABY

CAPIZ – NABULABOG ang residente ng Barangay Hipona, Pontevedra nang mapagkamalang tiyanak ang isang inabandonang bagong silang na sanggol.

Ayon sa mga residente, alas-5:00 pa lang ng madaling araw ay nakarinig na sila ng iyak ng sanggol ngunit hindi lang agad tiningnan ang lugar dahil sa pag-aakala na ito ay kuting at tiyanak.

Umabot pa ng hanggang alas-4:00 ng hapon bago nagdesisyon ang ilang residente na tingnan ang lugar kung saan nanggagaling ang iyak.

Laking gulat ng mga ito nang matagpuan sa damuhan ang isang sako na naglalaman ng ba­baeng sanggol na puno ng dugo at hindi pa napuputol ang pusod.

Dali-dali itong isinugod sa ospital dahil nangi­ngitim na ang newborn baby.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.